Advertisers
MAY pinipili nga bang lugar ang kampanya ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. laban sa lahat ng uri ng iligal na sugal. Kasunod ito ng direktiba na imbestigahan ang mga pulis na nagiging protektor at ang pagsibak sa mga opisyal na nagkukulang sa kanilang mga target sa operasyo.
kamakailan inatasan ni Nartatez ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na tugisin ang mga “erring cops” na umano’y protektor ng mga iligal na operasyon tulad ng online sabong at iba pang uri ng sugal.
Matatandaan na labing-isang (11) matataas na opisyal at tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office ang sinibak sa puwesto noong Abril 27, 2026 sa utos ni Nartatez.
Ang pag-sibak sa mga pulis ay bunsod ng pagkakasangkot ng mga ito sa umano’y proteksyon sa malawakang operasyon ng ilegal na sugal jueteng at mga sugal luoa. Ito ay matapos ang serye ng mga operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagresulta sa pag-aresto sa 49 katao sa San Carlos City.
Ani Nartatez, na wala siyang sisinuhin sa mga police commander na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam niyang kapado ng mga pulis ang lahat ng mga sugalan sa kanilang mga lugar. Mismo!
Ganon naman pala bakit hindi ito mapatigil nina Occidental Mindoro PNP Provincial Director PCol Timoteo Espiritu, Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz ang pamamayagpag ng iligal na sugal sa kanilang AoR tulad ng Pergalan (perya-sugalan) na kakupetensya ngayon ng jueteng.
Sa kabila ng mahigpit na kautusan ni Nartatez laban sa iligal na sugal, nananatiling talamak ang presensiya nito sa nabanggit na mga lalawigan na diumanoy pino-protektahan ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at nang mga maimpluwensyang pulitiko sa Occidental at Oriental Mindoro.
Batay sa reklamo ng ilang concerned citizens at religious group, tila hindi umano umaabot ang “KAUTUSAN” ni Nartatez sa lalawigan nina Gov. Humerlito “Bonz” Dolor at Gov. Eduardo Gadiano dahil nananatili itong talamak at untouchable.
Duda ng mga taga Mindoro may pinipiling lugar ang kampanya ni PNP Chief Nartatez laban sa iligal na sugal?
Totoo ba ito Gen. Nartatez, Sir!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com