Advertisers
By Dominic Rea
Hindi na nga napigilang tumalak at maglabas ng kanyang saloobin ang Megastar Sharon Cuneta sa pagkakasangkot ng kanyang asawang si Senator Kiko Pangilinan sa isyu ng korupsiyon na isa rin diumano sa nabigyan ng malaking halaga ng pera. Grabe ang talak ni Ate Shawie sa kanyang isang post sa social media nito kung saan hindi na raw tama at makatao ang ginagawang pagbibintang sa kanyang pamilya. Nilinaw pa nitong hindi magnanakaw ang kanyang pamilya at kung anumang meron daw sila ngayon ay pinaghirapan nila ito. Nasa taping pa nga raw siya at nagbabalat buto para sa kanyang pamilya mairaos lang ang buhay. Halatang gigil ang Megastar na ayon pa sa kanya ay ipinapasa-Diyos niya nalang ang lahat ! Tinawag pa nitong sinungaling at mga walang kuwentang tao ang mga ito!
SWEETNESS EME NINA DARREN AT JACKIE SA IT’S SHOWTIME WALANG DATING
Jusmio! Tawang-tawa ang kausap kong makulit na bubwit. Fan siya ng noontime show ng ipinasarang network lalo na ang noontime show nitong Its Showtime. Pero nung nag-umpisa naraw ang emeng sweetness nitong host nilang sina Darren Espanto at Jackie something, bigla daw nasira na ang panonood ni makulit na bubwit dahil nandidiri daw ito tuwing umeeme ang dalawa on-screen. Jusmio raw sa kainis at walang kadating-dating ang dalawa. Okey naraw sa kanya ang pakilig nina Ion at Vice pero ang Darren at Jackie, something wrong daw ayon pa sa makulit na bubwit! Oo nga naman. Napanood ko rin one time, kaya napansin ko rin na talaga nga namang walang kaamoy-amoy! As in walang dating at walang kulay. Wala kang maramdaman! Yun na!