Advertisers
By Anne Venancio
Posibleng lalaki ang ipinagbubuntis ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga, ayon sa mga kumakalat na ulat, bagama’t wala pa ring opisyal na kumpirmasyon mula sa kanyang kampo.
Sa kabila ng espekulasyon, nananatiling tikom si Alex sa detalye ng kanyang pagbubuntis at hindi pa rin siya nagbibigay ng pahayag tungkol sa kasarian ng kanyang unang anak. Nauna na ring isinagawa ang baby shower ng aktres, ngunit pinili niyang huwag sagutin ang mga tanong tungkol sa gender reveal, at iginiit na mas nais nilang tapusin muna ang kanyang pagbubuntis bago muling magpa-interbyu.
Sa kanyang mga vlog, ibinahagi rin ni Alex ang kanyang karanasan sa pagbubuntis, kabilang ang mga pagbabago sa kanyang katawan tulad ng pagkapagod at pamamanas, ngunit sinabi niyang masaya at lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang sitwasyon.
Ipinakita rin sa kanyang house tour vlog ang kanilang tahanan, kung saan mas pinalalakas ang pag-aalaga sa kanya ng asawang si Vice Mayor Mikee Morada. Ayon kay Alex, linggo-linggo siyang binibigyan ng bulaklak ng kanyang asawa bilang tanda ng suporta at pagmamahal sa kanyang pagbubuntis.
“Every week, binibigyan ako ni Mikee,” ani Alex sa kanyang vlog.