Advertisers
By Beth Gelena
Viral ang post ni John Estrada ng kanyang kaarawan kung saan ipinakita niya ang kanyang mga anak kasama ang kani-kanilang mga partner.
Kabilang sa mga larawang ibinahagi ay sina Kaila Estrada at Daniel Padilla.
Ayon sa ilang ulat at usap-usapan sa social media, masaya at suportado umano si John sa relasyon nina Daniel at Kaila, at bukas umano siya kung mauuwi ito sa kasalan balang araw hindi na raw maitatanggi na boto ang beteranong aktor sa boyfriend ng anak na si Kaila.
Hindi naman nagpahayag ang aktor na gusto na niyang magpakasal sina Daniel at Kaila.
Sa ngayon, ang malinaw ay maganda ang ugnayan ni John kay Daniel.
Ipinakita niyang nakasuporta siya sa kanyang mga anak at sa mga nito.
Naroroon din kasi ang live-in partner ng isa pa nilang anak ni Janice de Belen na si Inah at Jake Vargas.
Wika nga ng netizens, ang gagwapo ng future son-in-laws ni John — Jake at Deejay.