Advertisers

Advertisers

ANGEL AGAD NAGPADALA NG TULONG SA NABIKTIMA NA LINDOL SA MINDANAO

0 6

Advertisers

By Beth Gelena

Muling kumilos si Darna para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng malakas na bagyo sa. Mindanao.

Ibinunyag ni Melai Cantiveros na nagpadala ng tulong si Angel Locsin (Darna) para sa mga biktima ng malakas na lindol sa General Santos City at iba pang bahagi ng Mindanao na tinamaan ng 7.8 magnitude na pagyanig, kamakailan.

Sinabi rin na kabilang sa mga nagpaabot ng ayuda ay sina Kim Chiu, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez, kasama ang iba pang kaanak at team ni Melai.

Pagbabahagi ni Melai, 2wnagulat siya nang malaman na si Angel ay tahimik na nagpadala ng tulong, at nagpasalamat siya sa aktres.

Pinuri naman online si Angel dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad kahit hindi ito madalas ipost o ipangalandakan.

Ang tahimik na pagtulong ng aktres ay lalong hinangaan ng kapwa niya celebrities dahil sa humanitarian efforts niyang pagkilos.

Hinangaan nila ang aktres na kahit hindi pa rin aktibo sa industriya ay agad na ‘lumilipad’ si Darna para sa mga nangangailangan ng tulong.