Advertisers

Advertisers

Thanks Joel; Cayetano out, Gatchalian in

0 4,847

Advertisers

OPISYAL nang nahalal na lider ang Senado si Senador Win Gatchalian.

Nitong Mierkoles, June 17, sa special session ng Senado na ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos, nahalal si Gatchalian sa botong 13 matapos sumipot si Sen. Joel Villanueva at pumabor kay Gatchalian.

Hindi sumipot sa special session ang Cayetano bloc, na mas ginustong tumakbo sa Korte Suprema nung Martes, June 16, para pigilan ang pagkahalal kay Gatchalian.

Si Villanueva ang huling kumalas sa Cayetano bloc, na simula nang mahalal nung Mayo 11, sa pamamagitan ng surprise vote ng puganteng si Sen. Bato dela Rosa, ay naging magulo na ang Senado.

Sa pagkasibak kay Cayetano, naitala sa history ng Senado bilang ikalawa siya sa mga Senate president na naupo sa maikling panahon, isang buwan at 6 araw.

Ang Senador na may hawak ng rekord na shortest-serve Senate President ay si Camilo Osias na umupo lamang ng 13 days (April 17 – 30, 1952).

Naiiba talaga si Cayetano, laging gumagawa ng kasaysayan. Noong kongresista siya naitala rin siya bilang isa sa mga congressmen na nakipag-term sharing, na matapos ang 18 months ay ayaw nang bumaba sa kapangyarihan. Kaso ‘di siya umobra kay Lord Velasco. Hehehe…

Ngayong out na si Cayetano, na tiyak na ‘di titigil sa panggugulo, ay maaring maging maayos na ang takbo ng Senado, uusad na ang mga priority projects ng Marcos administration. Wish ko lang!

***

INANUNSYO ni Senador Erwin Tulfo ang pag-atras niyang hawakan ang Senate Blue Ribbon investigation sa flood control anomaly.

Ibinigay niya ang trabahong ito kay Senador Kiko Pangilinan, na tatayong sub committee chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Inamin ni Erwin ang limitasyon ng kanyang kakayahan. Isang beterano at abogado, aniya, ang karapat-dapat humawak sa mga imbestigasyon ng Senado. Si Kiko yun. Mismo!

Sa pagkaupo ni Gatchalian, wish natin maging maayos ang paghawak sa nakatakdang Impeachment Trial kay Vice President Sara Duterte.
\
Sisimulan ang trial sa Hulyo 6. Subaybayan!

***

Ang 18 Maleta boys narin ang sumisira sa kanilang kridibilidad. Kung sino-sinong pangalan na kasi ang kanilang binabanggit, at may dagdag-bawas pa. Hehehe…

Idinadagdag nila sa kanilang listahan ng mga dinalhan kuno ng maleta o bag ng pera mula kay ex-Congressman Zaldy Co sina Ramon Tulfo, Ex-PNP Chief at ngayo’y MMDA executive Nicolas Torre at Sen. Kiko Pangilinan.

Binanggit din nila si Sen. Chiz Escudero matapos na bumaligtad ito ng suporta sa Cayetano bloc.

Malamang na sa sunod na pa-press conference nina ex-Congressman Mike Drefensor at Atty. Levi Baligod ay isama na nila si Sen. Villanueva, na kumalas narin sa Cayetano bloc.

Ang inalis nina Defensor sa listahan ng maleta ay si Sen. Loren Legarda na nanatili sa Cayetano bloc, pero mukhang nag-iisip narin bumaligtad ang ale. Hehehe…

‘Pag bumaligtad si Loren, malamang na ibalik siya sa maleta list nina Defensor. Peks man!

Buang nalang ang maniniwala sa Maleta boys ni Defensor!