Julia may basbas ng bf na si Gerald ang pagpapaseksi sa pelikula; Bea at Angelica bitbit ang mga dyowa sa reunion ng magkakaibigang sina Angel, Anne at Dimples
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SINIMULAN na nga ni Julia Barretto ang kauna-unahan nitong pagde-daring sa pelikula.
Napa-oo agad siya dahil isang award winning direktor ang magdidirek nito.
Kahit ang mga naka-watch ay napatulala sa pagpapa-sexy ni Julia.
Lumabas naman na artistic ang pagkakakuha sa daring role ng dyowa ni Gerald Anderson.
To think na horror film ang ginawa nito ay mayroon itong sexy scene sa nasabing horror film.
May rape scene si Julia sa nasabing pelikula na 2 sa kanyang leading man ang gumahasa sa kanya, sina Xian Lim at Marco Gumabao pero mga demonyo ang humalay sa character ni Julia sa Red House.
Hindi na nga raw nag inarte pa si Julia sa pagtanggap ng sexy role dahil pag-amin nito ay tumatanda na siya at di na puwedeng tumanggi.
Career move nga raw itong pag change niya ng image, from wholesome to daring.
May basbas marahil kay Gerald ang ginawang pagde-daring ni Julia.
***
NAGKAROON ng reunion ang magkakaibigang Angel Locsin, Anne Curtis, Dimples Romana, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.
Sa bahay naman ni Angel at mister nito na si Neil Arce ginanap ang get together ng magkakaibigan.
Walang pagsidlan ng tuwa nang magkita-kita ang magkakaibigan at tsikahan toda max ang nangyari.
At kapansin-pansin din ang pagbitbit ni Angelica at ipinakilala na niya sa kanyang mga kaibigan ang kanyang bf na si Gregg Hoffman.
Si Gregg ay naging bf ni Angelica nito lang 2020.
Di din naman nagpahuli si Bea at dala-dala rin nito ang kanyang bf na si Dominic Roque at ipina-meet sa mga kaibigan.
Sina Angel, Anne at Dimples ay may mga asawa na kaya sina Angelica at Bea na lang ang wala.
Naging masaya ang pagtitipon ng magkakaibigan.
Well, well, well…’Yun na!