Advertisers

Advertisers

ANGEL SINOPLA ANG BASHER NANG TAWAGING NPA, NEIL BINAK-APAN ANG MISIS

0 405

Advertisers

Ni BETH GELENA

AGAD niresbakan ni Angel Locsin ang isang basher na nagsabing ‘NPA’: ‘Nanre-redtag, style diktaturya’ daw siya.
Binahagi kasi ng aktres sa kanyang Instagram ang picture nila ng Queen of All Media Kris Aquino nang um-attend siya sa intimate late celebration sa kaarawan ni Kris last February 14.
Pinost ni Angel nitong Pebrero 25 ang mga kuha nilang larawan kasabay ng paggunita sa 36th anniversary ng EDSA People Power I.
Kulay dilaw ang damit na suot ng mag-iinang Kris, Kuya Josh, at Bimby habang katabi naman ng bunsong anak ni Kris si Angel, na kulay-pink naman ang suot na T-shirt.
Nilagyan ito ng actress ng caption’, “Small gathering to celebrate Ate Kris’ birthday! Posting this picture because she looks so beautiful and healthy here ?? She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya ?? love you ate!”
“Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin ?? at iba magmahal ang isang Kris Aquino ?? Anyway, I enjoyed our chikahan with Ate Anne & Cong Len, I’m really sorry na buong gabi akala ko ibang tao sila and they’ve been so proper not to call me out sa katangahan ko, haha?? at hindi pa pala ako nakapag-apologize hahaha.'”
Nagpasalamat naman si Kris kina Angel at sa mister nitong si Neil Arce.
“Love you & Neil. For life. Thank God si @neil_arce nagre-reply right away. Good night,” ayon kay Kris.
Marami sa mga netizen ang natuwa sa pagkakaibigan nina Kris at Angel.
“Love ko kayo mga madam! Tara na gawin na nating kulay-rosas ang bukas!”
“Alam na talaga kung sino ang hindi nang iwan kay Kris!”
“Kweens! ?? siguraduhin na natin na kulay-rosas ang bukas.”
“Good thing Kris knows now who her true friends are.”
“Awww happy birthday po Ms. Kris! You are healed in Jesus name! Nakakatuwa na andami mang nawalang friends ni Ate @krisaquino andyan pa din si Angel nya.”
May isang basher na ayaw talaga paawat at nagkomentong ‘Mabuhay ang NPA!’ patutsada para sa aktres.
Hindi nagpatinag si Angel at sinagot ito. “Nanre-redtag, style diktaturya”.
“Siguro naniniwala ka rin sa Tallano gold,” pamba-back up naman ng mister niyang si Neil
Deleted na umano ang komento ng basher subalit na-screengrab na agad ito ng mga netizens.
Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ‘red tagging’ ang aktres pero pinatunayan niyang hindi siya isang makakaliwang personalidad.
Speaking of Angel, marami na ang nag-aabang ng proyekto nila umano ni Edu Manzano sa direksyon ni Erik Matti para sa HBO Go, ang Pinoy adaptation ng French hit series na Agent Call My Name
***
ANAK NG MCLISSE BININYAGAN NA, BIG BROTHER NAKADALO KAYA?
BININYAGAN na ang anak nina Elisse Joson at McCoy De Leon na si Felize who is 10-month old already.
Very intimate lang ang binyagan na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang.mga kaibigan.kasama na ang ninong at ninang ni Feliz.
Ang cute pagmasdan ng young partners habang karga ang kanilang bundle of joy.
Ani mga netizens, “Grabeee. Good looking family!!!”
“Parang mga highschool lang sila tignan hehe”
“cute talaga ng baby nila”
Tanong naman ng isa, “Ang wedding kelan? lol”
Papuri naman kay Elisse bilang isang ina, “Very obvious Motherhood makes Elisse more beautiful.
“Beautiful family ????????”
“I wish for them a lifetime of togetherness and happiness ?
Feeling Fairy godmother lang ??”
“Eto naman ang tanong ng isang netizen, “Dumating Kaya si Ninong Pinoy Big Brother hahahahah”
Matatandaang nagvolunteer si Big Brother nàng dumalaw ang magsyota.sa Bahay ni Kuya last year at inamin nilang may cute baby na sila.
Sa PBB house umamin ang young celebrity coiple.dahil sa nasabing reality show nabuo ang kanilang pagmamahalan.
At doon nga boluntaryong sinabi ni Big Brother na gusto niyang maging ninong ni Feliz.