Advertisers

Advertisers

Mark ayaw makigulo sa isyu nina Jennylyn at Patrick

0 39

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Naging kontrobersyal noon ang mga rebelasyon ni Patrick Garcia sa isang vlog kung saan ibinunyag niya na hindi niya iniwan si Jennylyn noong ipinagbubuntis nito ang anak nilang si Alex Jazz.

Ayon sa kanya, hindi raw siya pinayagang makasama ang aktres noong panahong iyon.



Sa pahayag naman ng talent management agency ni Jennylyn, sinabi nitong ayaw nang magkomento ng aktres ukol sa isyu.

Nadamay din sa kontrobersya ang mister ni Jennylyn na si Dennis Trillo dahil sa mga naging patutsada niya sa ex ni Jennylyn na na-hurt para sa kabiyak.



Sa 42nd Star Awards for Movies, nakorner naman namin si Mark Herras na dating ka-loveteam at naka-relasyon ng Kapuso actress kung ano ang take niya sa kontrobersya.

Sey ni Mark, ayaw na raw niyang makisawsaw sa isyu nina Jennylyn at Patrick.



“Ayaw ko nang makialam diyan. Pare-pareho na kaming may mga pamilya. Bahala na sila whatever they have to say. I’m sure, they have their reasons naman. Sana, matapos na ang lahat at maging okey na sila,” ani Mark.

Hirit pa niya, nalulungkot din daw siya na nauwi sa ganoong sigalot ang lahat.

“I just feel sad for the both of them. Ayoko nang makisali pa. I wish them well,” bulalas niya.

Samantala, ibinida ni Mark na okey na sila ng Revival King na si Jojo Mendrez at naayos na ang kanilang gusot.

“Okey na naman po kami. Alam mo, matanda na tayo. Kung anuman iyong naging isyu, tapusin na natin. Ayoko na kasing palakihin pa ang isyu,” paliwanag niya.

Nilinaw din niya na hindi siya tinext ni Jojo para pumunta sa nasabing awards night.

“Actually, ngayon lang kami magkikita. Wala na namang isyu sa amin talaga,” hirit niya.

 

Dagdag pa niya, hindi rin daw gimik ang naging pagbabati nila ni Jojo.

 

Si Mark ay nagkaroon ng special appearance sa 42nd Star Awards for Movies kung saan nakasama niyang mag-perform ang tinaguriang Revival King.

 

****

MTRCB, naglabas ng ratings para sa sineng horror, suspense bago ang Halloween weekend

Naglabas na ng ratings ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa mga pelikulang katatakutan na palabas ngayong Halloween long weekend.

Paalaala ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, dapat munang tiyakin ng mga manonood na angkop ang sineng kanilang papanoorin para sa mga mas bata nilang kasama bago pa man bumili ng tiket.

“Tiyak na mag-eenjoy ang mga pamilyang mahilig sa mga sineng katatakutan. Pero dapat ay may gabay pa rin ng mga magulang para siguradong naiintindihan ng mga bata ang kanilang pinapanood,” sabi niya.

“App the Horror,” isang South Korean horror film na pinagbibidahan nina Kim Young-jae, Kim Ju-a at Yang Jo-ah, ay rated R-13.

Ito ay may eksena ng supernatural horror, mga nakakatakot na imahe, intense suspense, moderate bloody violence, paranormal activity at spirit possession. Mapapanood ito sa SM Cinemas.

Rated R-13 din ang “Vampire Carnival,” isang gothic horror flick na tampok sina Nell Verlaque, Jason Isaacs at Kieron Moore.

Tinatalakay nito ang pagluluksa, emotional vulnerability at tukso. Mayroon din itong strong language, brief nudity, sexual content, eksena ng horror at karahasan gaya ng madugong vampire attacks at mga supernatural character, pati paggamit ng pinagbabawal na gamot.

“The film portrays risky encounters with strangers, drug use, and decisions influenced by seduction and emotional vulnerability. Immature viewers may not fully appreciate the dangers associated with these behaviors,” sabi ng MTRCB.

Ang isa pang horror film, “Crawlers,” ay nakatanggap ng R-13 rating dahil sa strong bloody violence, gore, nakakatakot na eksenang katatakutan, strong language at brief sexual material. Bida rito sina Matilda Lutz, Gregg Sulkin at Melina Matthews at mapapanood lamang ito sa SM Cinemas.

Ginawaran din ng rating ang dalawang gawang-Pinoy na pelikula.

Ang “Red Crown,” isang suspense thriller na tampok sina Sanya Lopez, Michelle Dhee, Faith Da Silva, Az Martinez at Ashley Ortega, ay rated R-16.

Ito ay may mature themes, strong language at graphic ngunit non-gratuitous depiction ng karahasan at gore.

“He’s Dating a Boldstar,” isang Pinoy romantic comedy film na pinagbibidahan nina Joel Ravanera, Analyn Barro, Dominic Biong, Joshua Padigos, Bonn Earl Aquino, Nelson Nielo, Rob Sy, Leandro Baldemor, Aleck Bovick, Charles Temones at Maranatha Quevedo, ay may R-13 rating.

Ito ay tungkol sa pag-abot sa mga pangarap, pagpapahalaga sa sarili at pagdedesisyon sa buhay.

Samantala, ang “Sense and Sensibility,” isang romantic period drama na bida sina Daisy Edgar-Jones, Esmé Creed-Miles at Caitríona Balfe, ay nakakuha ng PG rating. Mapapanood ito sa Ayala Malls Cinemas.

Tinatalakay nito ang “bereavement, inheritance inequality, financial insecurity, social expectations, romantic relationships, heartbreak and the challenges faced by women in a restrictive society.”

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood. Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.