Advertisers

Advertisers

Dina Bonnevie pinarangalan sa 4th Gawad Dangal Filipino Awards

0 37

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISANG malaking tagumpay ang katatapos lang na 4th Gawad Dangal Filipino Awards na ginanap noong Sabado ng gabi sa Admiral Hotel. Dumating ang halos lahat ng awardees, including Dina Bonnevie, na pinarangalan bilang Acting Icon of the 80s.

Tumanggap din ng parangal ang Diamond Star na si Maricel Soriano, at dalawa ang nakuha niyang award, huh! Una, ay bilang Best Actress para sa pelikulang Meet, Greet & Bye, ka-tie si Maris Racal para sa pelikula naman nitong Sunshine.



Ang ikalawang award ni Maricel ay ‘yung Box Office Queen dahil sa pagiging blockbuster ng Meet, Greet & Bye, nang ipalabas ito sa mga sinehan noong nakaraang taon.

Ang nasabing pelikula rin ang kinilala bilang Best Film. At ang director nito na si Cathy Garcia-Sampana ang wagi bilang Best Director.



Si Jericho Rosales naman ang hinirang na Best Actor para sa historical film nitong Quezon.

Ang beteranong aktor na si Nanding Josef ang nanalo bilang Best Supporting Actor para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan,while si Odette Khan naman ang nag-uwi ng Best Supporting Actress trophy para sa Bar Boys After School.



Ang inyong lingkod ay tumanggap din ng award bilang Outstanding Columnist of The Year.

Sa lahat ng winners, our congratulations, at ganundin sa bumubo ng Gawad Dangal Filipino Awards, especially sa CEO/President, ang award-winning actor and director na si Romm Burlat.