Advertisers
PROUD na pinangangalandakan ni Senatorial aspirant Ariel Lim na isa siyang tricycle driver, galing sa hirap at hindi nakatapos ng pag-aaral.
Gayunman, nasa puso anya niya ang pagsisilbi sa masa lalo na sa mahihirap na gaya niya partikular ang mga nasa transport group kaya naisipan niyang tumakbo sa pagka-senador sa darating na eleksyon ngayong Mayo.
Si Ariel ay nakababatang kapatid ng sikat na Pinay singer sa Japan, si Marlene dela Pena kaya nagpapasalamat ang senatoriable na kahit magkalayo sila ay tinutulungan pa rin siya ng kapatid sa pangangampanya sa social media.
Dahil sa malawak na koneksyon na rin at ngayon nga ay naninilbihan bilang empleyado kay Sen. Grace Poe, marami na ring alam si Ariel sa mga kinahaharap na problema ng bansa.
Ikinuwento pa ni Lim na kamag-anak ng namayapang dating mayor ng Maynila na si Alfredo Lim, na may natulungan din daw siya na lingid sa kanyang kaalaman ay isang beauty queen, si Kristine Escalante.
Isa ngayon si Kristine sa mga tumutulong sa kandidatura ni Ariel dahil naniniwala anya siya na sa malinis na puso nito at pagiging matulungin sa kapwa na walang hinihinging kapalit, aangat ang bansa at kundi man mawawalang tuluyan ay mababawasan ang korupsyon sa bansa.
Nais ding gawin ni Ariel sakaling mahalal na senador ay palakasin at pagandahin pa ang transportasyon at solusyunan ang malalang problema natin sa batas-trapiko.
Sakali naman daw gawan ng pelukula ang kanyang buhay, ang nais umano niyang gumanap sa kanya ay ang action superstar at tumatakbo ring senador na si Robin Padilla.
Tulad ni Robin ay astigin at may paninindigan din daw kasi si Ariel kaya ang aktor ang gusto niyang gumanap bilang siya.
(BKC)