Advertisers
Ni JOVI LLOZA
IBINAHAGI nina Angel Locsin at mister na si Neil Arce sa kanilang You Tube channel ang kaarawan ng ama na si Angelo Colmenares na nasa 95th edad na.
Para mas kuwela ay ini-hot seat ni Angel ang ama.
At may mga cue card na pipiliin pa ang tatay ni Angel na nandoon ang sagot.
Nasalang naman ang 95th year old na si Mang Angelo nung March 5, 2022 para sa ilang katanungan.
Ang tanong ni Angel sa ama ay kung sino ba ang pinakaayaw at ‘di boto si Mang Angelo sa mga ex-bf ni Angel.
Ang ilan sa sa ex- dyowaers ni Angel ay sina Luis Manzano, Phil Younghusband, Oyo Boy Sotto at ang namatay na si Miko Sotto.
Sagot ni Mang Angelo, ‘nasa cue card pangalan noon, kaso nalimutan ko’ sey ng ama ng aktres.
Naku paano kaya maaalala ng tatay ni Angel kung sino sa mga ex na sina Luis, Phil, Oyo at Miko ang ayaw nito at di siya boto.
Nabitin tuloy ang netizens sa sinabi ng tatay ni Angel na nalimutan nito.
***
MAY natuwa at nagulat nang pumutok ang hiwalayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial nung January 2022. Hindi raw kasi kasama ni Diego ang gf na si Barbie nung pumunta ang anak ni Teresa Loyzaga sa Amerika.
Wala rin kasing post na magkasama sila at nitong Pebrero ay inamin si Barbie na split na sila ni Diego.
Pero maaayos ang kanilang paghihiwalay dahil nag-usap naman sila.
Nitong March 5, 2022, may isang netizen na nag-post ng larawan nina Barbie at Diego na magkatabi sa isang mesa.
Pansin ang larawan na tila katatapos lang nila kumain.
Kaya ang daming tanong ng supporters kung recycled ba raw ang larawan na ipinost ng netizen na pic ng dalawa na magkasama sa isang resto sa Pasig City.
Maraming natuwa na mga solid na tagahanga nina Barbie at Diego kung true na nagkabalikan na silang muli.
Nanghihinayang naman ang kanilang mga supporters sa binuo nilang pagmamahalan kundi sila magkakabalikan.
Hoping ang mga supporter na magkaroon ng part 2 ang kanilang pagmamahalan if ever.
Well, well, well…’Yun na!