Advertisers

Advertisers

#BoyingSinungaling trending sa social media posts ng ilang artista

0 411

Advertisers

TRENDING sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite Congressman Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni Robredo para sa rally nito sa General Trias ng nasabing lalawigan.
“Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang rally para suportahan ang tapat, mahusay, masipag at makataong lider nang walang kapalit na pera?” sey ni TV host na si Bianca Gonzales sa kanyang Twitter account.
“Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad,” dagdag ni Bianca.
Ayon naman sa aktres na si Nikki Valdez, ang mga volunteers mismo ang naglalabas ng sarili nilang pera at gumagawa ng paraan para makatulong sa kampanya ni Robredo.
“Gano’n kasi talaga kapag prinsipyo at puso ang puhunan,” post naman ni Nikki. “Alam niyo po yung salitang priceless? Parang hindi,” tila parinig niya kay Remulla.
Pinagtawanan naman ng komedyanteng si Ogie Diaz ang pambibintang ni Remulla sa mga dumalo sa rali na umano’y mukhang mga estudyante na naturuan ng mga rebeldeng komunista.
“Nakakatawa yung nambibintang ka ng red-tagging, hakot at bayaran, nakita mismo ng mga mata mo, dahil natrapik ka, eh di dapat vinideo mo para [may] ebidensiya ka. Kaya pala merong #BoyingSinungaling na trending,” tweet naman ni Diaz.
Hinalungkat din ni Diaz ang isyu ng kapatid ni Remulla na si Jonvic Remulla, ngayo’y gobernador ng Cavite, na sampu sa mga tagasuporta nito ay natimbog ng mga pulis noong 2019 sa umano’y pamimili ng boto.
Sa isang Facebook post naman pinuri ng dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ang paninindigan ng mga dumalo sa grand rally ni Robredo sa Cavite.
“Paninidigan ang tawag doon at hindi P500,” aniya.
Sabi naman ng isang doctor at Twitter user na si Doc Deane, nagbigay ang “Cavite Doctors for Leni” ng P20,000 para makapagdagdag ng dalawang ambulansya at emergency medical technicians para sa event noong March 4.
“Ako nag-ayos ng lahat ng ito, at ako ang main doctor for the emergency response for the 47k people who were there. 500 Pesos? ’Wag ako,” sabi nito sa kanyang post.
Trending ang #BoyingSinungaling sa Twitter mula Linggo hanggang sa kasalukuyan.
Nagsilabasan ang mga personalidad na “kakampink” sa social media para depensahan ang kanilang kandidato na nangunguna na sa paramihan ng tao na dumadalo sa mga pagtitipon.
Matatandaan na una nang ipinangako ng dating kongresista na si Remulla kay Ferdinand Marcos Jr. ang 800,000 na boto mula sa Cavite para sa May elections.