Advertisers

Advertisers

Angel pinayuhan ng ama para tumagal ang married life kay Neil

0 412

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA YouTube channel ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, naging guest ang ama ng aktres na si Angelo Colmenares para sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-95th birthday.
Inusisa ni Angel ang ama kung mayroon siyang ex-boyfriend na hindi nito nagustuhan para sa kanya.
Tanong ni Angel, “Sino sa mga naging ex ko ang pinakaayaw mo?”
Sabay turo ng aktres sa hawak niyang cue card, “Nandidito, ha! Nakalagay. Ayoko ito tanungin ha!”
Ang mga nakarelasyon ni Angel ay ang namayapang aktor na si Miko Sotto, ang pinsan nito na si Oyo Sotto, Luis Manzano at Phil Younghusband.
So, sino kaya sa mga ito ang hindi boto ang ama ni Angel noon para sa kanya?
Inalam din ni Angel ang reaksiyon ng ama nang magpaalam rito si Neil bago ito nag-propose sa kanya noong 2019.
Happy naman daw si Mang Angelo na natagpuan ni Angel ang taong nakalaan para rito.
“First of all, I want you to be in good hands and nasa age ka na,” sabi ni Angelo kay Angel.
Tanong ulit ni Angel, “Anong lesson tungkol sa pag-ibig ang puwede mong ibigay sa akin?”
Sagot ni Mang Angelo, “Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other every day and put Christ in the center of your life.”
Siguradong susundin nina Angel at Neil ang naging payo na yun ng ama para mas lalong tumagal ang kanilang pagsasama at maging forever na ang pagmamahalan nila.
***
ERMAT NG AKTRES MASAMA ANG LOOB SA PANINIRA NG DATING KALABTIM SA ANAK
MASAMA pala ang loob ng nanay ng isang aktres sa dati nitong ka-loveteam. Nakarating kasi sa kanya na sinisiraan umano nito ang kanyang anak At hindi naman daw nito gusto ang anak niya na maging ka-loveteam.
“Diyos ko, pasalamat siya at naging ka-loveteam niya ang anak ko. At least, sumikat siya. Noong hindi naman sila loveteam ng anak ko, may nangyari ba sa kanyang career? Hindi ba wala? Pero aminado naman ako na nagkatulungan sila. Pero huwag naman sana niyang sisiraan ang anak ko. Huwag niyang pipintasan ang hitsura ng anak ko,” sabi ng mommy ng aktres.
Naiintindihan namin ang nararamdaman ng mommy ng aktres. Masakit nga naman sa kanya na malamang sinisiraan ang anak , ‘di ba?
Sino si aktres na sinisiraan ng dating ka-loveteam? Gabi-gabi ay napapanood siya sa isang serye.