Advertisers

Advertisers

Duterte nagtalaga ng bagong Comelec chairman at 2 commissioners

0 346

Advertisers

INI-APPOINT ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saidamin Pangarungan bilang bagong Commission on Elections (Comelec) Chairman kapalit ni dating Comelec Chair Sheriff Abas na nagretiro noong Pebrero 2, 2022.

Si Pangarungan ay dating kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos at dating Gobernador ng Lanao del Sur.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo sina Aimee Neri na dating Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at George Garcia na beteranong election lawyer na kumatawan kay dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang electoral protest noong 2016 vice presidential race bilang mga bagong Comelec commissioners.



Sina Neri at Garcia ang kapalit nina dating Comelec Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr., na nagretiro rin kasabay ni Abas. (Vanz Fernandez)