Advertisers

Advertisers

Mandatory repatriation sa OFWs sa Ukraine ipinag-utos na ng DFA

0 226

Advertisers

INIUTOS na ng pamahalaan ng Pilipinas ang mandatory evacuation para sa lahat ng mga natitirang mga Pilipino sa Ukraine sa gitna ng lumalalang sitwasyon doon dahil sa pananalakay ng Russia.

Ito ay matapos itinaas ng Department of Foreign of Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang Ukraine.

Mahigpit na nanawagan ang DFA, na kung may nanatili pang Pinoy sa Ukraine ay agarang makipag-ugnayan ang mga ito sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas para sa kanilang repatriation.



Maaaring makipag-ugnayan ang mga ito sa pamamagitan ng warsaw.pe@dfa.gov.ph, phone number +48604357396 (emergency hotline); Phone number: +48694491663 (office mobile number)

Para sa mga malapit sa southern border ng Ukraine, ang Philippine Embassy sa Budapest ay mayroong team sa Bucharest, Romania simula pa noong Marso 2, 2022, budapest.pe@dfa.gov.ph, phone number +36300745656.

Nabatid na simula noong Pebrero 17 ang embahada ng Pilipinas sa Warsaw ay nag-deploy ng kanilang team sa Lviv.

Samantala, 21 Filipino seafarers ang lumipad na pauwi sa Pilipinas nitong Linggo ng gabi matapos tumigil ang kanilang barko sa Odessa, Ukraine.

Umalis ang naturang mga tripulante bandang 10:50 Linggo ng gabi mula Bucharest, Romania at dumating ang mga ito sa Pilipinas alas-4:50 Lunes (March 7) ng umaga sa Pilipinas mula Bucharest, Romania.



Ito ang grupo ng mga tripulante ng M/V-S Breeze isang Greek ship na nakatigil sa Odessa, Ukraine.

Sa tulong ng Philippine Honorary Consul sa Moldova na si Victor Gaina sa pakikipagtulungan sa Philippine Embassy sa Hungary, lumikas ang mga ito papuntang Romania matapos atakehin ng Russia ang Ukraine. (Lordeth B. Bonilla)