Meg ‘di mag-aasawa hangga’t ‘di pa stable ang pamilya; Glaiza prayoridad ang travel kaysa pagbubuntis
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA pagbunyag ni Glaiza de Castro na kasal na siya sa asawang si David Rainey, marami sa kanyang followers ang excited nang marinig mula sa magaling na Kapuso actress kung nagdadalang tao na siya.
By this time ay diretsahan nang sinagot ni Glaiza ang katanungan ng kanyang mga supporters sa pagsasabing wala pa umano sa plano nilang mag-asawa na magkaroon ng anak sa mga darating na buwan.
Marami pa raw sila gustong gawin ng mister na hindi nila magagawa sakaling magkakaroon na sila ng baby.
“Matagal pa. Gusto ko pang mag-travel. Gusto kong ma-enjoy ’yong time namin together. Kasi nakita ko ’yan sa mga sisters ko, nakita ko sa sister ni David na once you have a baby or babies, 100 percent ibibigay mo ’yong time mo for them. And they will be your priority,” say ni Glaiza.
Just in case na maisipan na nilang bumuo ng pamilya at magkaroon na ng anak, girl o boy ba ang feel nila ng mister ang maging panganay na anak?
“Parang gusto ko, dalawa lang sana, e. A boy and a girl tapos kambal para tapos na. Hahahaha!,”dagdag pang say ni Glaiza.
Habang may pagkahigpit pa ang pagbibiyahe palabas ng bansa ay ini-enjoy muna ni Glaiza ang kanyang showbiz career, na all out support naman si David. Habang ginagawa nila ni Xian Lim ang kanilang miniserye na “False Positive” ay abala si Glaiza sa guestings sa mga show ng GMA-7 specially sa “All Out Sunday”.
***
HALOS lahat ng nakapanabayan ni Meg Imperial sa showbiz ay may mga asawa at anak samantalang si Meg ay nananatiling single pero in relationship naman for 5 years sa kanyang non-showbiz boypren, a Filipino guy with Portuguese roots pero isang Italian citizen.
Masaya naman si Meg sa kasalukuyang relasyon at sa kanyang showbiz karir. Mayroon siyang movie na ginawa kasama si Tom Rodriguez, ang “The Last Five Years” na sa kasalukuyan ay streaming na sa Vivamax.
Sa naturang movie ay ginampanan ni Meg ang karakter ng isang girl na feel nang magpakasal habang ang kanyang boypren ay hindi ito kayang ibigay dahil na rin sa sinapit na pagsasama ng mga magulang nito. Sa kaso naman ni Meg, tulad ba ng karakter niya sa pelikula, feel na rin ba niyang pakasal sa karelasyon ngayon?
“Me naman po kasi, my mentality now o my perspective on relationship and getting to the next level of relationship is that dapat stable na ’yong family ko and wala na akong excess baggage or wala na akong mga unfinished business in my life right now and then I can move forward.
“Once I feel na okay na siya, na I’m ready na tapos independent na ’yong family ko and may mga naibigay na ’ko na okey na sila, then ako naman. So, ’yon ’yong time na I can move forward na. Kasi if right now, if gagawin ko siya now, hindi ko po alam kung mapa-prioritize ko ang life ko over them ’coz still priority ko right now is my family, Parang gano’n,” say ni Meg.