Advertisers
NAGLABAS ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order o ang pansamantalang pagpapatigil sa Oplan Baklas ng Comelec partikular ang pagbabaklas o pagkumpiska ng poll body sa election materials ng mga kandidato.
Partikular na respondents sa nasabing petisyon ang supporters ni presidential aspirant Leni Robredo ang COMELEC at COMELEC Spokesman Director James Arthur Jimenez.
Inihirit din ng mga petitioner sa SC na atasan ang Comelec na isauli o ibalik sa mga may-ari ang pinagbabaklas na tarpaulin.
Bukod sa St. Anthony College, tumatayo ring petitioner sa kaso sina Dr. Pilita De Jesus Liceralde, isa sa mga convenor ng Isabela for Leni at Dr. Anton Mari Hao Lim, Convener naman ng Zamboangeños for Leni.
Binigyan din ng SC ang respondents ng sampung araw para magkomento sa petisyon.
Matatandaang Pebrero 17, 2022 nang simulan ng Comelec ang kanilang nationwide campaign na Oplan Baklas laban sa mga oversized posters at mga campaign paraphernalia na wala sa itinakdang common poster areas. (Josephine Patricio)