Advertisers

Advertisers

SUPER HEALTH CENTERS ISINULONG NI BONG GO

0 241

Advertisers

MULING nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa pagtatayo ng mga super health center sa buong bansa upang mapabuti ang access ng mga Pilipino sa mga serbisyong pangkalusugan ng gobyerno, partikular sa mga rural na lugar.

“Isinulong ko po ang pagkakaroon ng mga super health center sa iba’t ibang parte ng buong bansa. Layunin po ng mga centers na ito na mas mailapit pa sa ating mga kababayan ang mga serbisyong medikal ng gobyerno, lalo na sa mga nasa liblib na lugar at pinakanangangailangan ng mga ito,” sabi ni Go.

Ayon kay Go, sa pamamagitan ng mga super health centeray hindi na kailangang pumunta ng mga pasyente sa mga malalaking ospital na kadalasan ay nasa siyudad.



Ang super health center ay isang medium na bersyon ng isang polyclinic at isang pinahusay na bersyon ng rural health unit. Ito ay magkakaroon ng lupain na 514.3 metro kuwadrado gaya ng unang plano.

Ang mungkahing center ay magkakaroon ng mga sumusunod na serbisyo: mga lab facility, parmasya, pasilidad sa panganganak, departamento ng out-patient, mga dental service, komprehensibong departamento ng out-patient ng PhilHealth, at iba pang serbisyo sa mga menor de edad.

Iminungkahi ng senador na ang mga super health center na ito ay gagamitin din bilang satellite vaccination sites para sa mga Pinoy na nakatira, malayo sa urban centers.

“Bilang chair ng Senate Committee on Health and Demography, patuloy akong naghahanap ng mga solusyon sa mga problema sa paghahatid ng epektibong pangangalagang pangkalusugan sa ating mga kababayan. Isa sa mga pangunahing isyu na kailangang tugunan ay ang kawalan ng accessible na serbisyong medikal sa kanayunan,” paliwanag ni Go.

Ani Go, mahalagang maisakatuparan ito, may pandemya man o wala, dahil hindi naman nawawala ang pangangailangan ng mga Pilipino sa aspeto ng kanilang kalusugan.



Sinabi ng senador na inilaan na ang budget para sa paggawa ng ilan sa mga centers.

“Mayroong P3.587 billion budget para sa construction ng 305 Super Health Centers sa 2022 budget sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program kung saan, P2.031 billion dito ay para sa infrastructure at P1.556 billion ay para sa equipment,” sabi ng mambabatas.

Ang pagtatayo ng mga center na ito ay nasa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health.

Si Go ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbang na magpapahusay sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.

Inihain niya ang Senate Bill No. 2155 na naglalayong itatag ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) para sa mas proactive na diskarte sa pagharap sa mga darating na pandemic.

Naghain din siya ng SBN 2158 na nagtatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention. Ang CDC ay magsisilbing nangungunang ahensya para sa pagbuo ng mga hakbangin sa pagkontrol at pag-iwas sa nakakahawang sakit. Pangunahing responsable ito sa pagkontrol sa pagpapakilala at pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa Pilipinas.