Advertisers

Advertisers

Walang EJ Obiena sa Hanoi SEA Games

0 374

Advertisers

HINDI sinama ng Philippine Athletics Track and Field Association ang pangalan ni EJ Obiena sa roster na ipapadala sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Mayo, kinumpirma ng Philippine Olympic Committee Martes.

“I can only shake my head. This is horrible,” Wika ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa statement.

Si Obiena, ang kasalukuyang SEA Games champion, at ang PATAFA ay may alitan ilang buwan na ngayon tungkol sa mga paratang na maling paggamit ni Obiena ng pondo na kaloob ng national governing body.



Umaasa si Tolentino at iba pang national opisyal na ang PATAFA, na pinmumunun ni Philip Juico, ay matugunan ang differences.

“Barring serious injury, EJ will win the gold medal even blind folded in Hanoi,” Dagdag pa ni Tolentino. “He’s not only the best in the SEA Games, but in the whole of Asia. Not to forget that he’s No. 5 in the world.”

Wala sa listahan ang pangalan ni Obiena na naglalaman ng entry by numbers, sa dokumento ang PATAFA at 38 national sports associations (NSA) na sasabak sa Vietnam ang ipinasa sa POC.

“An NSA relentlessly sanctioning its No. 1 athlete—a guaranteed win and who knows a future world and Olympic champion—I just couldn’t find a logic,” Sambit ni Tolentino.
PATAFA ang pangalawang pinakamaraming number of entries na may 53 athletes at 17 officials, nangunguna ang esports na may 54 entries.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">