Advertisers

Advertisers

Isko umaasa pa rin na iiendorso ni Pang. Duterte

0 196

Advertisers

UMAASA pa rin si Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno na siya ang mapipiling iendorso ni Pang. Rodrigo Duterte sa pagka-presidente sa May 9 polls.

“Hangga’t walang halalan, may pag-asa!” pahayag pa ng alkalde nitong Martes nang matanong kung nadi-discouraged ba siya sa pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte kamakailan na maaari nang mamili ang mga botante kung sinong ‘Ilokano’ ang iluluklok nila sa Malacañang.

“Hindi naman, wala pa namang Mayo,” dagdag pa niya, nang makapanayam ng mga mamamahayag sa Tarlac Provincial Capitol, habang kasamang nanananghalian sina Governor Susan Yap, Vice Governor Carlito David at provincial board members.



Una nang sinabi ni Moreno noong siya ay nasa Tabuk City, Kalinga province, na umaasa siyang makukuha ang endorsement ng pangulo para sa kanyang presidential bid.

Sinabi pa ng alkalde na lahat ng suporta para sa kanyang kandidatura na kanilang matatanggap ay labis-labis niyang pasasalamatan. (ANDI GARCIA)