Advertisers

Advertisers

OFW tinaga ni mister sa harap ng anak

0 298

Advertisers

APARRI, Cagayan – Minsan pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos nang paslangin ang isang misis ng kanyang mister dahil lamang sa nakitang lalaki sa cellphone sa Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jowely Gercan, 32-anyos, dating OFW; habang sumuko naman sa pulisya ang salarin at asawa nitong si Ronelio Gercan, 42, kapwa residente sa Zone 3, Brgy. Backiling, Aparri, Cagayan.

Sa report ng Aparri Police Station, 10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.



Lumabas sa imbestigasyon, hawak ng biktima ang kanyang cellphone nang makita ng mister na nakatingin sa larawan ng lalaki ang misis nito.

Kinompronta ng mister ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo at kumuha ng itak si Ronelio saka pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nasaksihan naman ng kanilang dalawang anak na menor de edad ang pangyayari kaya mabilis na tumakbo ang mga ito palabas ng bahay para humingi ng tulong.

Rumesponde naman ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at sumuko sa kanila si Ronelio na ngayon nahaharap sa kasong parricide.

Sa himpilan ng pulisya, todo ang pagsisisi ni Ronelio sa kanyang nagawa at sinabing madalas nilang pag-awayan ng misis na ibang lalaking kinalolokohan dahil halos hindi nito mabitawan ang kanyang cellphone.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">