Advertisers

Advertisers

PANAWAGAN NI GO SEGURIDAD SA F2F CLASSES

0 204

Advertisers

MULING hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga opisyales sa educational institutions na tiyakin ang seguridad sa kalusugan ng mga mag-aaral ngayong magsisimula na ang face-to-face classes nationwide.

Bilang Chair of the Senate Committe on Health at member ng Senate Committee on Basic Education, ipinunto ni Go na ngayong nagluluwag na mula sa epekto ng COVID-19 ay dapat na maging pangunahin pa rin ang pagtutok sa seguridad ng ating kalusugan.

“Hinihimok ko pa rin ang gobyerno at mga school officials na siguruhin ang kapakanan at kalusugan ng ating mga estudyante sa gitna ng gradual expansion ng face-to-face classes sa bansa,” saad ni Go.



“Naiintindihan po natin na importante po ang edukasyon dahil ito ang tanging puhunan natin sa mundong ito. Kaya hinihikayat ko ang mga bata na patuloy na mag-aral kahit na may krisis tayong hinaharap. Gayunpaman, gawin natin ito sa ligtas na paraan,” dagdag pa niya.

Hinimok ni Go ang mga school administrator at educators para sa mahigpit na pagpapatupad ng Required Health Standards for COVID-19 Mitigation na ipinalabas ng Department of Education at Department of Health para sa muling pagbabalik ng samasamang pag-aaral sa mga eskuwelahan.

“We’ll do it one step at a time so that our students’ safety is not jeopardized. Huwag natin biglain and let us assess what happens. Kahit ayaw nating maantala ang klase nila, importanteng safe ang mga estudyante,” giit ni Go.

“Health and safety pa rin ang importante. Sa kagustuhan nating makapag-aral ang mga bata, ‘wag natin kalimutan na unahin palagi ang interes, kapakanan at buhay nila at ng bawat Pilipino,” pagpupunto pa niya.

Kamakailan, ang Department of Education ay nagpahayag na madadagdagan pa ang mga paaralang lalahok sa physical classes. Ang face-to-face classes ay isasagawa lamang sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2.



Nitong Enero, ang education department ay nag-ulat na may 304 schools ang pinahintulutan para sa in-person sessions mula nitong Pebrero alinsunod sa approval ni President Rodrigo Duterte para sa progressive expansion.

Inihayag ng DepEd na nitong Pebrero 9 ay may 39 schools sa National Capital Region ang nagsasagawa na ng limited physical classes at 28 schools sa mga ito ang kabilang sa pilot educational institutions na nagpasimula ng face-to-face classes nitong November ng nakaraang taon.

Sa isinasagawang vaccination program ng mga batang edad 5 to 11 at adolescents na edad 12 to 18 ay hinimok ni Go ang mga schools at colleges na magsagawa ng mga pamamaraan upang marami pang kabataan ang mabakunahan.

“Pagdating sa mga bata, takot talaga ako. Unang-una hindi pa sila bakunado. Pangalawa, hindi natin kontrolado ‘yung galaw nila at pangatlo, baka mag-back to zero na naman tayo. Kaya ngayon na pwede na magpabakuna ang mga bata, ‘wag natin sayangin ang oportunidad na ito na proteksyunan sila mula sa sakit,” apela ni Go.

“Lagi natin alalahanin na hindi kaya ng gobyernong mag-isa ang laban kontra pandemya. Hindi rin kakayanin ng mga frontliners kung patuloy na dadami ang dinadala sa mga ospital. Preventing the spread of COVID-19 starts with us being responsible citizens by getting vaccinated and following the health and safety protocols,” giit ni Go.

Ipinunto ni Go na mahalaga ang pagpapairal ng mga pamantayan bilang katulungan sa local authorities at schools na seguridad sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Nanawagan din si Go sa gobyerno na magkaloob ng asiste o mamahagi tulad ng masks face shields, at iba pang personal protective equipment.