Advertisers
Umamin ang isang Pinoy na kabilang siya sa mga nag-protesta sa nakaraang eleksyon sa US sa pamamagitan ng bayolenteng pagpasok sa kapitolyo ng naturang bansa noong Enero 6, 2021.
Nag-plead guilty sa isang korte sa US ang Pinoy na si Kene Brian Lazo, na agaw-pansin sa naging pagpasok ng mga nagprotesta sa kapitolyo sapagkat may hawak siya na walis tambo habang naka-costume ng Captain America.
Kabilang si Lazo sa mga nagreklamo sa naging resulta ng nakaraang presidential election sa US, kung saan nanalo si Joe Biden.
Kaya naman, makukulong si Lazo ng anim na buwan at magbabayad ng $500 o mahigit P26,000.
Apat na kaso ang ipinataw sa Pinoy, na lahat tungkol sa bayolenteng pagpasok sa US capitol.
Sa kabuuan, 786 katao ang kinasuhan sa US kaugnay ng protesta sa kapitolyo.