Advertisers

Advertisers

1 patay, 3 missing sa landslide sa Davao de Oro

0 244

Advertisers

Patay ang isang katao at 3 ang pinaghahahanap nang gumuho ang lupa sa bayan ng Pantukan, Davao de Oro, Martes ng gabi.

Kinumpirma ng provincial disaster risk reduction and management office ang nangyaring pagguho ng lupa sa Sitio Diat, Barangay Napnapan.

Narekober Miyerkoles ng umaga ang namatay mula sa landslide na patuloy pang bineberipika ng PDRRMO ang pagkakakilanlan.



Ayon sa PDRRMO, patuloy rin ang search and retrieval operations sa 3 pang missing sa landslide.

Ayon kay PDRRMO officer Joseph Randy Loy, sanhi ng pagguho ng lupa ang ilang araw nang pag-ulan sa lugar dahil sa low pressure area.

“Ang dahilan talaga ay ’yung continuous rainfall na na-experience ng Pantukan in the past days. So talagang attributed ito sa ulan,” sabi ni Loy.

Inaalam din ng PDRRMO kung pahirapan ba ang retrieval operations lalo’t nakakaranas pa rin paminsan ng sama ng panahon dulot ng LPA.

“Sa tingin namin, dahil siguro sa volume ng lupa na nakatabon doon sa area na ’yon (kaya pahirapan ang retrieval operation),” ani Loy.



Inaalam din ng ahensya ang mga impormasyon na 1 mining tunnel ang pinangyarihan ng landslide.

“Though this area sa Diat, masasabi natin na this is one of the mining areas in Davao de Oro,” ani Loy.

Noong Enero 2012, aabot sa 40 ang nasawi sa isang landslide sa gold panning area sa Diat.