Advertisers

Advertisers

2 Tsekwa huli sa P20m ‘tsaa-bu’

0 396

Advertisers

Arestado ng pinasanib awtoridad ang dalawang Chinese national nang kumagat sa buy-bust operation na isinagawa Miyerkoles ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Aagency Director General Wilkins Villanueva ang mga naaresto na sina Zeng Shiliang, 49 anyos, nakatira sa Balong Bato, Q.C.; at Lee Jack, 44, residente ng Speaker Perez St Q.C.

Sa ulat, 11:30 ng gabi (March 9) nang isagawa ang drug operation sa Unit 705 Nice Hotel Mary Street Brgy. E. Rodriguez, Q.C.



Nakumpiska sa dalawa ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000, identification cards, iba’t-ibang dokumento, 2 cellular phone at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dagenrous Drug Act of 2002.

Ikinasa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City Police District (QCPD), PDEG, AFP at NICA.(Mark Obleada)