Advertisers
Natapos na ang ginagawang panghahalay ng isang delivery rider sa mga kabataang kababaihan sa isinagawang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) nang muling mambiktima na naman ng isang dalagita sa nasabing lungsod.
Kinilala ang suspek na si Alexander Yu, 42, nakatira sa Kaong St., Amparo, Subdivision, Q.C.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen Remus Medina, nagpapanggap ang suspek bilang isang Mary Ann Dela Cruz sa kaniyang Facebook account at ginagamit sa pakikipag-chat sa nakikitang mga kababaihang natipuhan sabay aalukin ng trabaho na may buwanang sweldo na P25,000, at P3,000 allowance, at pagkakalooban pa ng iPhone 7.
Nadakma si Yu sa isang entrapment operation sa C3 Caloocan makaraan na magsumbong ang pinakahuli niyang biktimang 14 anyos at itinago sa pangalang ‘Shane’.
Sa salaysay ni Shan, habang nasa labas siya ng Nova Mall sa Barangay Sta. Monica, nag-chat sa kaniya si Yu at inaalok siya ng trabaho na may malaking buwanang sahod, allowance at iPhone 7 na cellphone kapalit ng serbisyong ipapagawa sa kaniya.
“Sundin mo lang ang gusto ng sponsor at alam mo na ‘yun ‘sex’ at agad-agaran kong ibibigay sa’yo ‘yung pera pero dito sa bahay ko mismo,” utos ng suspek sa dalaga.
Lingid sa kaalaman ng suspek na kaibigan si Shane ng dalawang dalagang una niyang nabiktima.
Nang malaman ng dalawang kaibigan na nakikipag-chat si Shane sa parehong account kung saan nila nakilala ang suspek na humalay sa kanila agad na silang nagsumbong sa mga awtoridad.
Upang madakip si Yu inutusan ng mga awtoridad na makipag-chat si Shane at sabihing magkita sila sa Petron Gasoline Station sa C3 road kung saan nadakma ang nasabing serial rapist.
Inamin naman ni Yu na umabot na sa 25 kababaihan, karamihan dito sinasabi niyang bayaran ang kaniyang hinalay ng masamsaman ng 55 piraso ng sim cards na ginagamit umano sa pakikipag-chat sa mga binibiktima.
Nabatid na noong Pebrero 21, 2022, dinala rin ni Yu sa tahanan nito ang mga kaibigan ni Shane na nasa mga edad 18 at 19 saka hinalay at tinangay pa ang mga pag-aaring cellphones ng mga biktima.
Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang patong-patong na mga kasong paglabag sa Anti- child abuse law at robbery ang isasampang kaso laban sa suspek.
Samantala patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation sa kasabwat ng suspek.