Advertisers

Advertisers

29 Pinoy seaman mula Ukraine nakauwi na ng Pinas

0 312

Advertisers

SINALUBONG ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating ng 29 na Pinoy seafarers mula sa Bucharest, Romania.

Kung kaya’t  umabot na sa 55 ang kabuuang bilang ng mga repatriated Pinoy seafarers mula sa Ukraine.

Ang batch ng mga repatriates ay binubuo ng 20 crew members ng MV Global Aglaia, dalawa mula sa MV Joseph Schulte at pito Pinoy mula sa MV Star Helena.



Ayon sa DFA ang mga Pinoy ay nailikas sa Moldova mula Ukraine sa pamamagitan ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau at ng Philippine Embassy sa Budapest.

Inaasahan ng kagawaran na mas marami pang Pinoy seaman ang darating sa bansa sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng Evacuation at Repatriation program ng pamahalaan. (Lordeth B. Bonilla)