Advertisers

Advertisers

Bangkay ‘double dead’ sa nasunog na punerarya

0 248

Advertisers

Patuloy pa na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa isang punerarya kung saan isang bangkay ng tao ang natupok sa Iloilo.

Ayon kay SFO3 Francisco Arevalo, acting Municipal Fire Marshall, na totally burned ang Salome Gasapo Funeral Services kung saan umaabot sa P2 million ang halaga ng pinsala.

Sinabi ni Arevalo, nakatakda pa sanang iuwi ang nasunog na bangkay ng isang lalaki sa kanilang bahay bago maganap ang sunog.



Maliban dito, nasunog rin ang nasa 50 mga kabaong at anim na mga sasakyan sa loob ng compound ng punerarya.