Advertisers
Mahigit 700K na laman ng Automated Teller Machine (ATM) sa isang branch ng Producer’s Bank ang nalimas ng apat na katao nang humukay ng tunnel papasok sa bangko sa Magsaysay, Codrdon, Isabela.
Ayon kay PMaj. Fernando Malillin, hepe ng Cordon Police Station, ang naturang insidente ipinabatid sa kanilang ng nagngangalang James Sioson, account officer ng naturang bangko.
Batay sa salaysay ni Pedro De Vera, security guard, nang buksan na nila ang bangko, nalanghap nila ang masangsang na amoy mula sa loob.
Natagpuan nila ang isang butas sa loob ng opisina ng manager at nadiskubreng wala na ang aabot sa 714, 000 pesos na lama ng ATM.
Sa kuha ng CCTV, makikita na 3:00 ng madaling araw ng pasukin ang bangko ng mga suspek.
Ayon pa kay PMaj. Mallillin, naghukay ng butas ang mga suspek sa isang bahay papasok sa drainage canal kung saan dito silang gumawa ng tunnel papasok sa likod ng ATM.
Natukoy na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bahay na nasa harapan ng bangko at 800 meters ang layo na ginawang entry point ng mga salarin.
Wala namang naabutang tao sa naturang bahay ngunit natagpuan doon ang isang piraso ng cutting disc, metal hacksaw, steel pipe, dalawang square logs at iba pang equipement na hinihinalang ginamita sa paghuhukay.