Advertisers

Advertisers

Bistek: QC, boboto kay Bongbong-Sara

0 415

Advertisers

Tiniyak ni dating Quezon City Mayor at UniTeam senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista na maraming taga-Quezon City ang boboto kina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang kanilang pangulo at pangalawang pangulo. Ito rin ang naging pahayag ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor at 2nd District Councilor Winnie Castelo na tumatakbo namang alkalde at bise alkalde ng lungsod.

“Noong nakaraang 2016 presidential elections, sa Quezon City, ang nanalong presidente ay si PRRD, President Rodrigo Roa Duterte, at yung nanalong vice president ay si President Bongbong Marcos,” ani Bautista sa mga miyembro ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association (BATODA) noong meet-and-greet kay Duterte at iba pang kandidato sa lokal, sa terminal ng BATODA sa Batasan.

“Kaya uulitin natin ‘yan sa Quezon City, pero this time baligtad naman. Ang ating ipapanalo sa Quezon City bilang presidente ay wala pong iba kundi si President Bongbong Marcos, at ang atin pong vice president ay si Vice President Sara Duterte,” ayon pa kay Bautista.



Ani Bautista, na tumatakbong senador sa platapormang Internet Reform, Livelihood for All at Youth Protection and Welfare (I.L.Y.), kung mananalo ang UniTeam, pabababain nila ang presyo ng kuryente gaya nang ginawa ni Marcos sa Lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa proyektong windmill nito.

Samantala, nanawagan din si Defensor, na tumatakbong alkalde sa ilalim ng koalisyong Malayang Quezon City na iboto ang tambalang Bongbong-Sara sa darating na halalan sa Mayo, laluna sa mga residente ng lungsod na nagmula sa Visayas at Mindanao.

“Ang pangalang Duterte, ang liderato ng ating Pangulo, ang nagbigay ng pagtaas ng suweldo sa ating kapulisan, pagtaas ng suweldo sa ating mga guro, ang nagbigay ng universal health care na lahat, mahirap, matanda, na magkaron ng libreng medikasyon, at ito po ang nagbigay din ng libreng edukasyon sa state universities and colleges,” ani Defensor.

“Kaya po ang tatak Duterte ay mananatili sa atin pong magiging bise presidente. Tulungan po natin at siguraduhin natin na dito sa Quezon City, ang mananalo at magiging bise presidente ng lungsod Quezon City ay si Mayor Inday Sara Duterte,” ayon pa kay Defensor.

Kumpyansa naman si Castelo na 1.4 milyong taga-QC ang boboto kina Bongbong at Sara sa halalan.



Sa kabilang banda, tiniyak naman ni BATODA leader Charlie Mangune na iboboto nila ang Bongbong-Sara tandem sa darating na eleksyon.