Advertisers

Advertisers

Bong Go: Bigyan ng solusyon, 34 missing sabungeros

0 197

Advertisers

MULING iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa komprehensibong imbestigasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation sa kaso ng 34 nawawalang e-sabong players.

Sa ambush interview sa kanya nang bisitahin ang mga biktima ng sunog sa BASECO Port Area, Manila noong Marso 9, sinabi ni Go na dapat ay maging mas maagap ang pagpapatupad ng batas sa pagharap sa usapin ng mga nawawalang sabungero at hiniling na lutasin ang kaso sa lalong madaling panahon.

“Isa pa lang may nangyaring problema dapat inimbestigahan na. Trabaho po ito ng mga pulis, ng NBI, law enforcers, dapat mabigyan ng solusyon ito dahil buhay po ang nawala rito,” ani Go.



Sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Miyerkules, inatasan ng Palasyo ang PNP at NBI na magsagawa ng “thorough investigation” sa mga nawawalang sabungero at isumite ang resulta sa Pangulo at Department of Justice sa loob ng 30 araw.

Inutusan din ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na imbestigahan ang mga umano’y paglabag sa lisensya ng e-sabong.

Pero ang mga lisensyadong e-sabong na hindi sinisiyasat ay pinapayagang magpatuloy sa kanilang operasyon.

Nauna rito, sinabi ni Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee chair Ronald dela Rosa na ang mga nawawalang tao ay kinabibilangan ng mga manlalaro, “master agents” o recruiters at mga driver na hindi pa rin alam kung saan naroroon.

Naghain ng resolusyon ang mga senador na humihiling sa PAGCOR na ihinto ang pag-iisyu ng mga lisensyang “e-sabong” hanggang sa naresolba ang mga legal na isyu.



Sinabi ni Go na hindi niya alam ang mga detalye ng pag-uusap ng Pangulo at ni Executive Secretary Salvador Medialdea, gayundin ni Senator Dela Rosa, kaugnay sa memorandum na nagpapahintulot na magpatuloy ang e-sabong operations.

Sa kanyang palagay, ang desisyon ay maaaring batay sa pinakamahusay na interes ng gobyerno, lalo na sa panahon ng pandemya.

“Siguro separate naman po ‘yung issue ng PAGCOR kung dapat nilang ipatigil. Siguro priority po ng gobyerno ‘yung revenues… lalong-lalo na po ngayon,” ayon kay Go.

Sa ngayon, sinabi ni Go na priority concern niya ang tiyakin ang kaligtasan ng mga nawawalang sabungero at maresolba ang kaso.