Advertisers
SA gitna ng tumitinding sigalot sa pagitan ng Russia-Ukraine, binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng gobyerno na protektahan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine, na karamihan ay nasa kabisera ng Kyiv at mga kalapit na lugar.
“Tayo ay, walang alinlangan, nabubuhay sa magulong panahon. Ibig sabihin, kailangan ngayon na maging maagap at pangalagaan ang kinabukasan ng mga Pilipino at ng ating bansa,” wika ni Go.
“Ang ating pangunahing priyoridad ay ang maiahon ang ating mga kababayan sa panganib sa lalong madaling panahon,” pagdidiin pa nito.
Sa press release pinuri ni Senator Go ang pagsisikap ng Department of Foreign Affairs sa pagpapakilos ng lahat ng resources para ilikas ang mga Pilipino. Ang mga operasyon ay isinasagawa upang ilipat ang mga apektadong Pilipino sa kaligtasan mula sa Ukraine patungo sa mga kalapit na bansa at sa huli ay makauwi. Sa ngayon, 40 Pinoy na ang ligtas na naihatid sa Poland, Hungary at Moldova kung saan 6 na Pinoy ang nakauwi na.
Kaugnay nito pinayuhan din ng senador ang mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at maging aware sa kanilang paligid, maging mapagbantay, at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy Team sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv kung kailangan nila ng tulong.
Samantala hinimok din niya ang gobyerno na pagaanin ang masamang epekto sa ekonomiya ng pandaigdigang labanan sa bansa sa pamamagitan ng napapanahong pagbibigay ng subsidyo sa gasolina sa mga tsuper at sektor ng transportasyong pang-agrikultura, lalo na at ang presyo ng langis ay lumampas na sa $100 kada bariles.
Bunsod nito, sa pagpuna sa malaking bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, muling iginiit ni Go ang pangangailangang pahusayin at palakasin ang mga patakaran at hakbang na magpoprotekta sa kanilang kaligtasan.
Sa ilalim ng bagong Batas, ang lahat ng ahensya ng gobyerno na sangkot sa dayuhang trabaho at migrasyon ay muling ayusin at ang kanilang mga gawain ay magiging streamlined.
Sa wakas, sinabi ng senador na dahil sa kawalan ng katiyakan sa mga panahong ito, may matinding pangangailangan upang matiyak ang kapakanan ng bansa at tiyakin ang sustainability ng pag-unlad na dala ng Administrasyong Duterte.
Upang matiyak na ang mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino ay makikinabang sa mga hakbangin at patakaran ng gobyerno na naglalayong tiyakin ang isang komportableng buhay para sa lahat, tiniyak ni Go na ang administrasyong Duterte ay may layunin na tiyakin ang isang tapat, mapayapa, kapani-paniwala at malayang halalan sa darating na Mayo.(Boy Celario)