Advertisers

Advertisers

Kasalan dinilig ng dugo: 2 patay, 8 sugatan

0 294

Advertisers

Patay ang isang Barangay Kagawad habang 8 ang sugatan sa naganap na pamamaril habang nagsasayaw sa kasalan San Pablo, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Barangay Kagawad Gerly Telan, ng Brgy. Simanu Sur, San Pablo.

Nilalapatan naman sa Manuel A. Roxas District Hospital ang mga sugatan na sina Barangay Captain Briscio Gammaru, Isidro Dayag Mamauag, Michael Curibang Mansibang, Vicenta Curibang Guiquing, Jose Soriano Mamauag, Sofrino Alingod Crisologo, at Allen David Guinucud Cauan.



Samantala inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing salarin.

Ayon kay PNP Chief Gen Dionardo Carlos, naganap ang pamamaril sa Sitio Flaviano, Brgy Dalena, San Pablo, Isabela.

Sa ulat, dumalo ang mga biktima sa kasal ng isang Cpl Bryan Pattalitan at sumasayaw sa dance floor nang bigla na lamang pumasok at nakihalubilo ang ‘di pa nakikilang salarin.

Ilang saglit ang lumipas bigla na lang namaril ang salarin kung saan tinamaan sina Telan at Brgy. Chairman Gammaru, 7 pa.

Agad naman dinala ang mga biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas ngunit binawian ng buhay sa Telan habang nilalapatan ng lunas.



Habang ang salarin dinala rin sa pagamutan ng makita ito duguan nakahandusay ngunit hindi na umabot ng buhay.

Inatasan ni Carlos ang San Pablo Municipal Police Station na magsagawa ng malaliman imbestigasyon upang matukoy kung sino ang tunay na target ng salarin at motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)