Advertisers

Advertisers

Kolehiyala kinatay ng ka-live-in

0 196

Advertisers

MISAMIS ORIENTAL – Hindi na makaakyat pa sa entablado para sa kanyang graduation ang isang kolehiyala nang patayin ng live-in partner Linggo sa Gingoog, City.

Kinilala ang biktimang si Jessa Villadores, 32 anyos, BPA 4th Year sa Bukidnon State University Medina Campus.

Sumuko naman sa Tagbilaran Bohol Police Station ang salarin at live-in partner nitong si Barry Alido Juegos, ng nasabing lugar.



Sa report, Linggo ng umaga natagpuan ang bangkay ng biktima sa tabing kalsada sa Sitio Crossing Brgy. Mambayaan Balingasag Mis. Oriental.

Kinabukasan, sumuko ang salarin sa pulisya at inamin nito na pinatay niya ang biktima saka isinakay sa kanyang kotse at itinapon sa gilid ng kalsada sa naturang lugar.

Nakatakda naman i-turn over ng Tagbilaran Bohol-PNP si Alido sa Gingoog-PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">