Advertisers

Advertisers

‘Oplan Baklas’ sa public place itutuloy ng Comelec

0 347

Advertisers

KAHIT pa may inisyung temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema, itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng “Oplan Baklas” o pagtatanggal ng mga campaign posters na sobra sa sukat at nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar sa mga pampublikong lugar.

Paglilinaw naman ni Comelec spokesperson James Jimenez, itutuloy lang nila ang pagtatanggal nila ng mga illegal campaign materials sa mga lugar lamang na sakop ng kanilang otoridad at hindi sa mga pribadong ari-arian.

“Do’n sa mga areas na ine-enjoin, siyempre hindi tayo magtutuloy doon. Pero hindi naman in-enjoin lahat eh. So ‘yung pagbabaklas doon na malinaw na talagang pasok sa authority ng Comelec, ‘yung pagbabaklas sa mga public spaces, kailangan magtuloy ‘yan,” ayon pa kay Jimenez, sa panayam sa radyo nitong Huwebes.



“Pero doon sa areas na in-enjoin, ‘yung pagbabaklas sa private spaces, ‘yun ang tigil muna,” aniya pa.

Matatandaang noong Martes, nagpalabas ng TRO ang mataas na tribunal laban sa Oplan Baklas ng Comelec sa mga pribadong lugar, kasunod ng petisyong inihain ng mga supporters ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Iginigiit ng grupo na ilegal ang pagtatanggal ng Comelec ng mga oversized campaign posters na nasa private properties.

Tiniyak naman ni Jimenez na gagalangin nila ang TRO at haharapin nila ang isinampang reklamo laban sa kanila. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">