Advertisers

Advertisers

Sparu kumander, 1 pa patay; 2 sundalo sugatan sa bakbakan

0 145

Advertisers

PATAY ang hitman at kumander ng New People’s Army (NPA) -Special Partisan Unit (Sparu) at isang kasama nito ang napatay habang dalawang sundalo ang sugatan sa naganap na engkwentro sa lalawigan ito.

Kinilala ang napatay na lider ng Sparu na si Virgilio Marco Tamban alyas “Bedam,” ng Guihulngan City, Negros Oriental, Kumander umano ng Sparu, Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon, Central Negros (CN)1- Komiteng Region- Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR-NCBS) habang inaalam na ang pagkakakilanlan ng napatay na kasamahan nito.

Ayon kay Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, commander ng the Philippine Army 303rd Infantry Brigade (IBde), bandang 2:00 AM naganap ang bakbakan sa Barangay Amin, Isabela, Negros Occidental.



Sinabi nito na nakatanggap sila ng impormasyon sa presensya ng ilang armadong kalalakihan sa lugar kaya agad na nagsagawa ng intelligence monitoring ang 62nd Infantry Battalion (IB) at Isabela Municipal Police Station.

Pagdating sa lugar agad silang pinaulanan ng bala ng baril ng higit sa 10 miyembro ng NPA.

Gumanti naman ng putok ang mga sundalo na ikinasawi ni Tamban at kasama nito.
Dinala naman sa ospital ang dalawang sundalo na nagtamo ng sugat .

Nakuha mula kay Tamban ang dalawang .45 caliber pistol at isang hand grenade.

Nabatid na sina Tamban ang pangunahing suspek sa nagaganap na patayan sa lalawigan kabilang ang ila sa mga biktimang sina Jay Maykel Ledesma, ng Barangay Macagahay, Moises Padilla, nitong March 2; Crish John Guyha, ng Barangay Luz, Guihulngan City, February 28; Heide Boca, ng Barangay Santol, Binalbagan, February 19; Lucio at Tony Perater kapwa ng Barangay Malangsa, Vallehermoso, February 16.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">