Advertisers

Advertisers

YORME ISKO, IKAW ANG PRESIDENTE NAMIN!

0 354

Advertisers

HINDI maitago ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagluha sa malaking kasiyahan sa naramdamang napakainit na pagtanggap ng mga mamamayan ng Tarlac City sa kanilang kampanya sa lalawigan kamakailan.

Kahit kilalang “dilawan” ang Tarlac dahil ito ang lalawigan ng pamilya Aquino, lumabas sa mga bahay at pumarada sa kalye ang mga Tarlaquenos para salubungin ang motorcade ni Yorme Isko, katiket na bise presidente Dic Willie Ong, mga kandidatong senador Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison, at dating Agrarian Secretary Bro. John Castriciones.

Sa media interview, matapos ang pagbibigay-galang kay Tarlac Gov. Susan Yap, nagpapasalamat si Yorme Isko sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mamamayan ng lalawigan.



Unang dinalaw ng Team Isko-Doc Willie ang Tarlac matapos magharap ng kanilang kandidatura nitong Oktubre 2021.

Sa kalsada, sumisigaw ang mga nakaabang na residente ng “Yorme, ikaw ang presidente namin,” at ang mga senyales sa kamay na “God First” ng Aksyon Demokratiko.

May endorsement man o wala, “masayang-masaya kami sa mainit nyong pagtanggap sa amin,” sabi ni Yorme Isko.

Sa unang pagbisita sa Tarlac, sinabi ni Yorme na babawasan niya ng 50 porsiyento ang excise tax ng mga produktong langis at ng koryente.

“Five months ago, hindi ko naman mahuhulaan na magkakagiyera sa Ukraine, pero noon pa, masyadong nalulugi yung mga magsasaka atsaka patuloy ang pagtaas ng krudo,” sabi ni Yorme Isko.



“Let me stress again, kung mabigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos at ng tao, uunahin nating ma-address yung pagtaas ng petrolyo at presyo ng kuryente,” sabi ni Yorme Isko.