Advertisers

Advertisers

2,500 kahon ng Bexovid dumating na sa Maynila

0 395

Advertisers

ANG 2,500 kahon ng Bexovid na nauna ng binili ni Aksyon Demokratiko presidential bet Mayor Isko Moreno ay dumating na sa Maynila at handa ng ipamigay nang libre sa mga pasyente ng COVID-19 na edad 12 pataas maging sa mga pasyente sa malalayong probinsya.

Ang nasabing batch ng gamot ang siyang pinakahuling karagdagan sa stock ng pamahalaang lungsod na mga gamot laban sa COVID-19 na inorder ni Moreno para ipamigay ng libre sa mga nangangailangan nito, maging sa taga-Maynila man o sa iba pang panig ng bansa.

Ayon kay Moreno, ang pagbili nang nasabing gamot ay iminungkahi sa kanya ng kanyang doctor-partner na si Vice Mayor Honey Lacuna at runningmate Willie Ong. Idinagdag pa ng alkalde na ang nasabing gamot ay makakatulong sa mga may mild hanggang moderate na kaso ng COVID-19 maging sa mga minors.



“Ang nasabing gamot po ay may 90% efficacy in preventing hospitalization and death in high-risk patients. Ang intake po nito ay two tablets of Nirmatrelvir and one tablet of Ritonavir, twice a day for five days,” ayon kay Moreno .

Idinagdag pa niya na: ”Kapit lang po mga minamahal kong kababayan. Sama-sama po tayo dito sa laban na ito. May gobyerno po kayong masasandalan sa lahat ng oras. Walang bibitaw.”

Matatandaan na Enero ng kasalukuyang taon nang bigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP) ang Maynila para sa Bexovid. Ito ay ang unang generic version ng Pfizer na Paxlovid, na siyang kauna-unahang oral treatment sa COVID-19 na una ring pinayagang gamitin sa United States.

Sinabi ng FDA na ang Bexovid ay nakakatulong upang mabawasan ng 88 hanggang 89 percent ang panganib na maospital at mamatay ang isang pasyente mula tatlo hanggang limang araw simulang lumitaw ang sintomas ng COVID-19.

Ayon pa kay Moreno, sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 cases, ang city government ng Maynila ay hindi hihinto sa paghahanap ng paraan upang laban ang nasabing sakit hangga’t patuloy itong kumakalat at kumikitil ng buhay.



Sinabi pa ng presidential aspirant na patuloy sa paghahanda ang lungsod sa sandaling may lumitaw na panibagong variant. Wala aniyang mawawala kung laging handa.

Sa panahon ng pandemya, si Moreno ay laging gumagawa ng hakbang sa maagang panahon, bago pa lumitaw ang problemang may kinalaman sa pandemya.

Bago nangyari ang surge, nakapagpatayo na si Moreno ng mga quarantine facilities at Manila COVID-19 Field Hospital. Nakabili na rin siya ng mga vaccines at anti-viral medicines na patuloy na pinamimigay ng libre ng city government sa lahat ng mga nangangailangan, taga-Maynila man o taga-ibang lungsod o lalawigan. (ANDI GARCIA)