Advertisers
Nahaharap sa patong patong na kaso ang tatlong aktibong pulis nang arestuhin ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) sa pangingikil sa kanilang inaresto sa isinagawang entrapment operation sa Palo, Leyte.
Kinilala ni PNP Chief Gen Dionardo Carlos ang naaresto na sina SMS Alex Asis, SSgt. Raffy Reposar at Cpl. Jerwin Dacillo, pawang nakatalaga sa Palo Municipal Police Station.
Ayon kay Carlos, 6:00 ng gabi ng arestuhin ng mga elemento ng PMP IMEG Visaya Field Unit ang tatlong mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa Palo Municipal Police Station.
Isinagawa ang operasyon nang humingi ng tulong at magharap ng reklamo ang isang Cherie Quiones ng Tacloban City sa mga PNP IMEG ng mutliple extortion, robbery at sexual harassment laban sa 3 mga pulis.
Inaresto si Quinones ng mga otoridad sa kasong extortion sa isang entrapment sa isinagawang “Barangayanihan” medical mission noong October 29, 2021 at pangsamantalang nakalaya nang maglagap ng piyansa.
Ang mga 3 mga pulis apat na buwan nang nangingikil ng pera kay Quinones.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang 6 P1000 bill, 2 Glock 17 9mm postol, 2 magazines na may 29 bala at 4 mobile phone.
Nasa kustodiya ang tatlong pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 8 sa Tacloban City na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.
Tiniyak naman ni Carlos na tuloy tuloy ang kampanya ng PNP laban sa mga tiwaling pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidades.
Hinikyat naman ni Carlos ang publiko na ireport ang mga pulis na sangkot sa irregularidad sa (Smart) 0998-9702286 or (Globe) 0995-7952569 o Facebook Page: Integrity Monitoring and Enforcement Group.(Mark Obleada)