Advertisers
Sugatan ang dalawang drug suspeks habang arestado ang tatlong iba pa sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operations ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD), nitong Huwebes.
Ayon kay QCPD Director BGen. Remus Medina, unang ikinasa ang operasyon sa bahagi ng La Loma kung saan, naaresto ang tatlong drug suspek kabilang na si Katherine Santos alias Kat-Kat na dati umanong miyembro ng Baywalk bodies.
Gayundin ang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Fidel Samson Jr alias Jake at isang Victor Ronquillo.
Samantala, sugatan naman ang dalawa pang kasama ng tatlo na sina Luza Cuenco at Ferdinand Parado nang tangkaing tumakas at makipagbarilan sa mga operatiba ng QCPD sa bahagi ng Sta. Cruz, Maynila.
Nasabat sa kanila ang nasa 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P816 thousand pesos, kalibre 45 baril at ang kulay itim na SUV na kanilang ginamit.
Inihahanda naman na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.
Kasalukuyang nakakulong ngayon ang mga suspeks sa detention facility ng Quezon City Police District.
Siniguro naman BGen. Medina na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Samantala, nagbabala naman si NCRPO Chief MGen. Felipe Natividad sa iba pang mga suspeks na manlaban at nais tumakas habang inaaresto sila ng mga pulis na hindi mag-aatubili ang mga pulis na ipatupad ang batas lalo at kung may banta rin sa kanilang buhay.