Advertisers
Ibinenta ng isang ina ang kaniyang sariling anak nang malulong sa E-sabong.
Base sa impormasyong nakuha ng mga otoridad, ibinenta ng isang ina ang kaniyang walong buwang gulang na sanggol dahil sa sobrang stress at pagkalubog sa utang.
Ayon sa ina ng sanggol na hindi na pinangalanan, nakilala niya sa social media ang buyer nang i-post niya ito para ibenta ang kaniyang anak kung saan, marami umano ang nagbigay ng komento at gustong bumili.
Agad na napukaw sa halagang P45,000 ang ina ng sanggol nang mag-offer ang isang buyer.
Nang magkasundo sa napag-usapang presyo dito na nakipagkita ang ina ng sanggol sa buyer nito.
Matapos maibigay sa ina ang nasabing offer, mabilis na umalis ang buyer nito pero agad ding natauhan ang ina ng sanggol at naisipang bawiin ang kaniyang anak pero binlock na umano siya ng buyer.
Nananawagan ngayon ang ina ng sanggol sa buyer na ibalik ang kaniyang anak at makipagtulungan sa mga otoridad.