Advertisers
INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P3-billion na pondo para sa fuel subsidy at mga discounts sa Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes.
Ayon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Canda, inilabas ang naturang halaga matapos nilang matanggap ang joint memorandum circular o ang Joint Memoran-dum Agreement ng DBM, energy department at DoTr.
Nasa P500 million naman na fuel discount ang kanilang inilabas para sa agri sector.
Ang kanilang hakbang ay kasunod na rin ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon na ipamahagi na ang fuel subsidy at discount vouchers sa public transport workers, farmers at fisherfolks.
Ang ayuda ay para na rin sa pagtaas ng mga produktong petrolyo na isinisisi ngayon sa Ukraine-Russia crisis.
Matatandaang, ngayong linggo lamang nang magpatupad ng malakihang oil price hikes ang mga kumpanya ng langis na aabot sa P3 hanggang P5.
Sa susunod na linggo, asahan din daw ang isa pang malakihang oil price hike.