Advertisers
TIWALA ang isang eksperto na handa ng maging alert level 0 (zero) ang bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert na ito ay kung ang titingnan ang metrics partikular na ang pagbaba ng numero ng mga kaso ng COVID-19 at ang mababang healthcare utilization rate.
Gayunpaman, kahit pa aniya mag-Alert Level 0, kailangan pa ring panatilihin ang pagsusuot ng face mask at hand hygiene.
Giit pa ni Solante, dapat kapag nasa Alert Level 0 na ay 90% ng populasyon ng bansa ang fully vaccinated, upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kapag kasi nasa Alert Level 0 na ang bansa, ang COVID-19 ay ituturing na lamang ordinaryong sakit at tatratuhin na lamang itong katulad ng trangkaso, tuberculosis o dengue. (Josephine Patricio)