Advertisers
Bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation Detection Group o CIDG-Isabela ang anim na kabataan na serial rapist kabilang ang kanilang lider na nasa Top Most Wanted Person ((TMWP) sa isinagawang manhunt operation ng otoridad sa lalawigan ng Isabela.
Kinilala ni PCol. Erwin Dayag, Regional Chief, Regional Field Unit 2 (RFU2) ang mga naarestong estudyante kabilang ang kanilang lider na si Jerome Nuñez y Ruiz alyas Carl Jerome Ruiz, 20 anyos, binata na nasa number 5 Top Most Wanted Person o TMWP sa lalawigan ng Isabela; Joseph Macatunggal alyas Joseph, 20 anyos, number 3 TMWP sa Cauayan City; Flaviano Baquiran III, number 4 TMWP sa lungsod din ng Cauayan, Vinler Taguinod na number 5 TMWP sa bayan ng Tumauini; habang ang dalawang menor de edad itinago sa pangalang Ryan, 17 anyos; at Criz, 16 anyos na kapwa residente ng Barangay Arcon, Tumauini, Isabela.
Habang ang biktima, itinago sa pangalang Nene na noon nasa 14 anyos pa lamang na pinagsamantalahan abusuhin at gasahin umano ng mga akusado estudyante.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Dennis Agustin Mendoza, Acting Presideng Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 22, Cabagan, Isabela, pawang akusado sa panggagahasa o rape na walang inirekomendang piyansa laban sa anim na estudyante na isinilbi ng CIDG-Isabela.
Sa panayam kay PCol Dayag, bilang pagtalima sa kahalagahan at karapatan ng mga kababaihan na may kaugnayan sa ‘National Women’s Month’ para wakasan ang pananamantala sa mga ito sa kasong rape o Violation Against Women and Children o VAWC.
Base sa talaan ng Police Regional Office 2 o PR02 ay pinakamaraming naitatalang kasong panggagahasa o rape lalo sa mga menor de edad.
Samantala, nilinaw ni PBGen. Eliseo Cruz, CIDG Director, hindi lang sa araw ng pagdiriwang ng ‘International Women’s Day’ ang pagbibigay ng pagkilala at karapatan sa mga kababaihan para protektahan ang kanilang karapatan lalo sa mga biktima ng pang-aabuso.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang anim na tinaguriang serial rapist para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin. (Rey Velasco)