Advertisers

Advertisers

P8B BADYET SA BRGY. ELECTION GAMITING AYUDA: YORME ISKO MORENO

0 513

Advertisers

‘WAG nang ituloy ang eleksiyong barangay sa Disyembre 5, 2022 at ang P8-bilyong badyet para rito ay itulong at iayuda sa milyon-milyong Pilipino.

Ito ang sinabi ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagosoo, Huwebes, Marso 10 sa miting niya sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija sa dahilang katatapos lang ng eleksiyon sa Mayo, at sa halip na gastusin sa eleksyong barangay, “i-allocate ang pera sa ayuda at iba pang mas kailangan ng tao, ngayong kayhirap ng buhay.”

Noong 2019, pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462, na itinatakda na gawin ang eleksyong barangay sa Dis. 2022 at kasunod ay eleksyon uli sa unang Lunes ng Dis.2025 at muli tuwing tatlong taon.



Kaugnay nito, nagpanukala si Davao Oriental Rep. Joel Almario sa House Bill 10425 na nais ipagliban ang eleksyong barangay sa Dis. 5, 2022 at ituloy sa Mayo, 2024.

Nasa P8 bilyon ang inilaang badyet para sa eleksiyong barangay.

Kung ie-extend, ‘yung perang gagamitin natin sa eleksyon, magamit natin para ipang-ayuda sa tao, katulad nung gasolina, or ipang-ayuda sa pagkain, or ipambili natin ng ferltilizer at ipamahagi sa magsasaka,” paliwanag ni Yorme Isko.

Aniya, bunga ng krisis sa kabuhayan na epekto ng giyera ng Russia at Ukraine, kailangang itutok ng gobyerno ang malasakit sa mamamayang Pilipino.

Maalaala, sa limang buwang nakalipas, hiniling ni Yorme Isko na bawasan ng 50 percent ang excise taxes sa petrolyo at koryente upang mapagaang ang pinapasang perwisyo na gawa ng pandemyang COVID-19 at pagsasara ng maraming kompanya at trabaho dahil sa lockdown.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">