Advertisers

Advertisers

Bagong silang na baka 6 ang paa

0 142

Advertisers

KINAGIGILIWAN ng mga residente sa isang barangay ang isang bagong silang na baka na anim ang paa sa Badoc, Ilocos Norte.

Sa ulat, nagulat si Roger Fagaragan nang unang makita ang hitsura ng baby baka.
Gayunman, itinuturing ni Fagaragan na suwerte para sa kaniya ang bagong silang na baka.

Ayon kay Fagaragan, napansin nila na hirap ang inahing baka sa panganganak kaya humingi sila ng tulong kapitbahay.



Maayos naman ang kalagayan ng baby baka na nasa bandang leeg ang ekstrang dalawang paa.

Sinabi ng eksperto na pambihirang mangyari ang naturang malformation o abnormalidad sa hayop.

Maraming posibleng dahilan kaya nangyari ang naturang abnormalidad habang nagbubuntis ang baka. Kabilang dito ang environmental factor, tulad ng kemikal o may nainom na gamot o nagkaroon ng viral infections ang inang baka.