Advertisers
SWAK sa kulungan ang magkabit nang ipahuli ng kanyang mister matapos masundan sa isang motel sa Sorsogon City.
Itinago ang pangalan ng magkabit, kung saan ang lalaki ay nasa 26 anyos mula sa bayan ng Gubat, walang asawa subali’t may kinakasama; habang ang 28 anyos na misis ay naninirahan sa Barangay Sampaloc ng nasabing lungsod.
Tinugunan ng mga ope-ratiba ng Sorsogon City PNP ang sumbong ng mister at agad na ikinasa ang entrapment operations, hapon ng Biyernes, Marso 11, sa isang motel sa west district sa Lungsod.
Nadatnan ng mga awtoridad ang magkalaguyo na wala nang mga saplot at nasa akto na ng pagtatalik sa isang kuwarto ng nasabing motel.
Nakumpiska sa mga ito ang isang ‘pink dildo’ o vibrator para gamiting ebidensya sa korte.
Desidido ang mister na sampahan ng kasong ‘adultery’ ang magkalaguyo.