Advertisers
NATAGPUANG nakahandusay sa isang damuhan ang bangkay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Laoag City na pinaghihinalaang dinukot at pinatay sa Papua New Guinea.
Kinilala ang napatay na OFW na si Romulo Antonio, 37 anyos.
Ayon sa kapatid nitong nasa Pilipinas na si Arlyn, Marso 5 nang huli niyang nakausap si Antonio na may pupuntahan lang.
Ngunit naalarma na sila nang hindi na nila ito nakontak ulit at hindi na ito nakauwi sa tinitirhan sa Papua New Guinea.
Nang humingi ng tulong sa mga awtoridad, nakita sa isang damuhan ang bangkay ni Antonio.
Agad namang nahuli ang mga salarin. Isa sa kanila ang umamin sa nagawang krimen.
Bakas sa bangkay ni Antonio na hinampas ito sa ulo at kinuha ang kanyang cellphone at mga ATM card.