Advertisers

Advertisers

PANALANGIN PARA MATAPOS ANG GIYERA SA UKRAINE HINILING NI DOC WILLIE ONG

0 413

Advertisers

HINILING ni Doc Willie Ong, katiket na bise presidente ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko sa taumbayan na ipanalangin na itigil na ni Russian President Vladimir Putin ang pagsakop sa Ukraine.

“Every 3 o’clock ay magdasal tayo. ‘Yan lang ang magagawa natin at sana pakinggan ni President Rodrigo Duterte yung suggestion ko sa nuclear emergency. Hindi ito pulitika eh, buhay eto eh. Matagal ko na itong inaaral, kaya ko ito sa tulong syempre ni Yorme Isko,” sabi ni Ong.

Mas mabigat ang problemang dala ng giyera kaysa perwisyong epekto ng COVID-19 sa mamamayang Pilipino, dagdag ni Doc Willie.



Bunga ng embargo ng US at iba pang bansa, patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, at agad ay ang mataas ng presyo ng bilihin, lalo na ang pagkain at pamasahe at iba pang serbisyong kailangan ng tao.

“Hindi pa tayo nakakabawi sa pandemya, eto naman ang giyera, paano tayo makakabangon sa hirap nito, … paghihigpit na naman ng sinturon ang tanging magagawa natin sa ngayon,” sabi ni Doc Ong sa mga reporter sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija nitong Biyernes, Marso 11.

Mainit na tinanggap ang pangkat ng Team Isko-Doc Willie, kasama sina kandidatong senador Dr. Carl Balita, Samira Gutoc, Jopet Sison at John Castriciones ng libo-libong mamamayan ng Cabiao, San Isidro, Ganap at San Leonardo.

“Konting tiis lamang po, makatatawid din tayo sa krisis, at humanda na kayo sa darating na pagbabago … ibabangon natin ang buhay at kabuhayan, sa awa ng Diyos at sa inyong tulong, makakaahon din tayo,” sabi ni Yorme Isko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">